Saturday, May 26, 2012

Alipinas, Bansa ng Alipin na gagapi sa mga Intsik

Ang Aking Bansa ng mga alipin; mga katulong sa mga malayong lugar (nabibitay pa kung malas-malas), mga mangagawa ng karagatn (na nakikidnap sa Somalia kung malas-malas), mga manggagawa sa Saudi (pugot ulo naman), mga care-givers, mga puta dito sa sariling bansa at mga ungoy ng mga dayuhan. Ang banta ng digmaan ay nasa ating harapan. Ang mga instik ay nanggigil sa ating likas yaman  at maka-ilang pagkakataon na nagpahiwatig ng banta ng digmaan upang matapos ang hidwaan. Ang mga Americano naman, na nagsasabing tutulungan nila tayo, ay tutoong gigil sa walang humpay na paglikom ng kayamanan at kapangyarihan ng mga instik. Ang tunay na usapan ay kung sino ang maghahari sa mundo at dito nila balak idaos ang kanilang pagtutoos. Itong mga huling pangyayari kung saan dumaong ang submarino ng mga kano at sa katapusan naman ng buwan ay yun namang barko ng mga hapon, ay mga pangitain ng umaangat na kaguluhan.

Wala tayong magagawa, sakaling umangat pa ang init ng hidwaan, dito malamang magtuos ang dalawang higante ng mundo.

Tayo naman, ang ibig lang natin ay mapasa- atin ang sariling likas yaman. Umaasa tayong matakot ang mga instik sa mga Americano at maangkin natin ang pinag-hihidwaang Spratleys. Pero paki wari ko ay kung sino man ang magtagumpay, siya ang magmamay-ari nyang pinagkakaguluhang likas yaman, kano man o intski.

Para tayong hipon, tangay at alipin ng agos ng panahon.

Dahil sa katiwalian ng tambak-tambak na panahon, wala tayong maipagmamalaking hukbong sandatahan. Alipin tayo ng mga ibang bansa na inaasahan nating tutulong dahil mayroon din silang pinangngangalagaang kapakanan. Tulad na lang ng  mga Americano, na ang tunay na layunin ay mai-angkat ang sinasabing gasolina dyan sa Spratley. Ang mga ibang bansa tulad ng Vietnam, Hapon at iba na ibig ding makabahig sa biyaya, ay maaring sumaklolo, ngunit ano naman ang kabayaran?

Noong pangalawang digmaan, sinakop tayo ng mga sakang na hapon dahil tayo ay nasa ilalim ng bansang America.  Puspusan naman ang mga amerikano sa paggahasa sa ating likas yaman. Yun din ang gusto ng mga hapon, kaya lang inuna nilang ginahasa ang ating mga kababaihan. Sa pagtapos ng digmaan, tayo ay nagpatuloy na naging  tuta ng mga Americano. Nanatili tayong alipin sa matagal na panahon. Ang kahirapan ay ayaw tayong tantanan dahil ang sarili nating likas yaman ay hindi natin kayang angkatin. Kupal!

Ngayon may mga taong gumagawa ng mga hakbang upang ma-iangkat ang yaman, tulad ni Manny Pangilinan. Kaya lang ang gusto nyang kasosyo ay yung mga intsik. Maganda ba yun? Hindi ako alam. Parang hindi. Ewan ko?



Pero hindi ba kaya yan ng mga katulad nila Henry Sy at Lucio Tan?

 Hirap niyan hindi mo naman alam kung saan papanig yang sina Sy at Tan.



Aba e, may mga kalakalan sa Tsina ang dalawa na hindi baba sa $500B. Yun lang Oishi, kala mo  ay hapon, Pilipino pala, kapatid yata yan ng Bench. Dahil mayroon silang mga pagawaan sa Tsina na apatnapu hindi mo rin masabi kung intsik o Pilipino.

Tingnan mo yan. Kung ang mga salapi nila sa Intsik ay ginamit sa pagtustus ng pag-angkat ng likas yaman, aba eh baka iba ang usapan.

Hirap naman kasing mangngalakal sa Alipinas. Ngayon na lang yang mining act hindi maayus-ayos. Kupal! Yung kasing mga Buwaya at Koreano na naglipanan sa pamahalaan ay hindi kasi alam ang hatian.

Tuloy wala tayong sariling tatak. taga-benta tayo, taga-dagdag ng antas ng halaga, mga mananahi ng Levi's, taga salo ng lumang bus, tren at anu-ano pa. Noong dako 1980's bumalik ang mga hapon at dinigma tayo sa pamagitan ng kalakalan.Binomba nila tayo ng toyota, sony at aiwa. Sa galing nila noong panahon na iyon, nagapi din pati ang mga Americano. Nagsara ang ilang pagawaan ng sasakyan sa america o binili ng mga hapon. Dito, naging paraosan ng libog hapon. Ilan ang kilala mong japayuki? Yun na nga!

Eto naman ang mga instik. Nagkaluko-luko ang buhay ni GMA sa ZTE, northrail at ngayon nagbabanta pa sila ng digmaan. Ang mga instik noong dekada 70 ay hindi pa lumalakas ngunit nagkaroon na sila ng sandatang nuclear na kinatatakutan din. Sa pagdaos ng panahon, natutu ang mga instik, binuksan nila ang kanilang bansa sa makabagong pamumuhay at ngayon mai-tuturing na kasing lakas na sya ng America.

Tayo na dati'y nangguguna sa hapon sa larangan ng kalakalan at lalong malayo ang agwat sa Tsina, e napagiwanan. Ngayon ay heto, alipin ng hirap at agos ng pag iisip ng ibang bansa. 

Umaasa tayong mangibabaw ang kaayusan at hindi tumuloy ang pagputok ng digmaan. Ngunit sampung barko na ng mga instik ang nasa Scarborough Shoal parang naghahanap ng sakit sa katawan.

Ito'y hindi panahon na mga duwag.

Dasal tayo ng milagro. Malay mo, tayo pa ang gumapi sa mga intsik.

Saan ba si Manny? Tulog pa rin sa Vegas? Gisingin mo, laban sila ng volleyball ni Yao.

Nararapat lang na pag-ibayuhin ang hukbong sandatahan. Itapon na yang mga tora tora. Yung mga heneral at samu't saring mga kumag na kinurakot yung, AFP modernization fund, isauli nyo na. Maawa kayo sa bayan.

Ano nga pala nangyari sa mga kaso nila? May nalagyan na naman?


Ang salapi at mga yaman sa pagtustus ng ibayong AFP ay kunin natin sa mga dambuhalang mangagalakal . Pinag-iinitan nyo yung mga naninigarilyo at tumotoma sa kanto, hawa boy.

Huwag narin tayong mangalakal sa Tsina. Humanda tayo sa digmaan.

Ang Kuwait ay sinakup dahil naghintay sila. Ang Iraq ay parang Tsina, may lakas at handang gamitin ito dahil sa kanyang pangagailangan.

Ang Pilipnas ay isang lakas kung ihahambing sa ibang bansa.  Ang turing na lakas ay walang saysay kung magsawawalng kibo tayo. Ang mga mamamayan ay tinawag na ganoon dahil sila nag bumubuo ng lakas.

Mga kapwa alipin, may panahon ng pagtutoos sa bawat bagay na sumusulpot ang hindi pagkakaunawaan. Dumating na tayo sa panahon na iyan. Ang kahinaan ay dala ng takot at ang takot ang kalaguyu ng pagiging alipin.Pagod na ako sa pagiging alipin.

No comments:

Post a Comment