Ayaw nilang maglabas ng batas contra dynasty. Wala ba sa isang katutak na Pilipino and maaring pumalit sa ngayo'y mga naghaharing uri. Sila lang ba ang biniyayaan ng Poong Maykapal ng talino at kisig para mamahala ng bayan.
Ang hirap kasi makasingit ng mga bagito sa politiko. Yung mga tinubuan na ng sapal sa tagal nila sa kapangyarihan, nagagawang pera-pera lang and halalan at sa muling pagkalukluk, gagatasan ang kabang bayan.
Ang hirap kasi makasingit ng mga bagito sa politiko. Yung mga tinubuan na ng sapal sa tagal nila sa kapangyarihan, nagagawang pera-pera lang and halalan at sa muling pagkalukluk, gagatasan ang kabang bayan.
HUWAG NG IHALAL ANG MAG-ANAK NA PAMAHALAAN.
Habang nalilibang ang buong bayan sa pag lilitis ng punong husgado,and suliranin ang kakulangan ng pagkain, kawalan ng hanap-buhay,pag taas ng mga pangunahing bagay at mga banta sa kapakanan ng mga mamayan ay patuloy na bumabalot sa buong bansa na walang katapusan.Itong paglilitis na ito ay hindi nag-uusad ng mga kailangan sa kaayusan ng bansa.
Nang mapatalsik sa kinaluluklukan ang pangulong Estrada, akala ng marami ay magbabago ang buhay ngunit hindi rin. Ito rin ang inakala noong matalsik ang pangulong Marcos.At ng mapilitan ang pangulong Arroyo, ang akala ay maitataas ng pangulong Aquino ang antas ng buhay. Marami ang namamatay sa akala, ika nga.
Buhay ng bawat isa ang nakasalalay sa mga kamay ng mga namahala sa bayan. Ngunit sa tagal ng itinigil nila sa kanilang kinaluluklukan, nakalimutan na nila ito.
Sa mga sakuna na dulot ng kalikasan, sabi nila (mga namumuno),ang sanhi ay mai-aatas sa kapabayaan ng taong bayan narin. Hindi kaya dahil sa ganid ng mga nasa pwesto? Ang patuloy na pagkalbo sa mga gubat ay sanhi ng 'lagayan' na nagtutulak sa mga alagad ng batas na tumingin sa ibang dako.
Yun namang kawalan ng pamamaraan ngPilipinas na ipagtanggol ang sarili laban sa Tsina ay sanhi ng pagkulimbat sa salapi na dapat ay tumungo sa kaayusan ng mga tauhan ng pambansang sandatahan. Paano nila nagagawa ito? Matagal na sila sa kanilang kinalulukan at alam na nila ang pasikot-sikot.
Ang mga mag anak na ngayon ay numumuno ay nagpapalamig sa mga mala palasyo nilang bahay, sa mga ibayong dagat habang ang kanilang mga kababayan ay namimilipit.Balak nila hangang ka-apupuhan ay sila ang maghari. at patuloy ang paghihirap ng bayan.
Hindi himagsikan ng dahas ang makakabago ng kalagayan ng bayan kundi himagsikan ng talino.
Hindi himagsikan ng dahas ang makakabago ng kalagayan ng bayan kundi himagsikan ng talino.
No comments:
Post a Comment