Tuesday, December 11, 2012

Pollutics-The Muddled Side of Philippine Governance

Dynasty

The second highest elected official of the Philippines argues against the prohibition on political dynasties. While not surprising, it behooves the VP not oppose the constitution which he swore to uphold. The 1987 Philippine constitution prohibits political dynasty as embedded in Article 2 Section 26.

Anyway, Philippine Vice-President Jejomar Binay justifies political dynasties on the merits of public clamor and solid qualifications. Yeah?I see it oh so clearly.

Because he trounced every opponent (Edu Manzano and Lito Lapid more prominenetly) for mayor in Makati for which the Binays continue to rule , he thinks that 'public clamor' can be transferred by hereditary succession. The VP sat as Mayor of Makati for 21 years succeeded by his wife and today is run by son Jejomar Jr.

Now, the VP fields reluctant daughter, Nancy,  to fill the vacancy left by the Joey De Venecia's decision to abandon the United Nationalist Alliance's (UNA) senatorial slate. Aren't we stretching things a little too far your excellency?

Reportedly, Nancy's name always made the surveys conducted by Pulse Asia and the Social Weather Station (SWS) making her the perfect choice even as she protested. But, daddy knows best. Nancy rounds up the Binay's clan bet for 2013 which includes the reelection bids of Jejomar Jr., for Makati Mayor and Abigail for district representative. A Vice President, a senator, a congressman and a mayor, the concentration of those positions in one clan sounds already lethal, if not for the whole nation, at least in Makati, the country's prime financial district. It spells immense if not absolute power and paraphrasing Lord Acton, immense power, corrupts immensely or something to that effect. Dynasty dispenses with check and balance.

Now take the case of the Angaras, a long time dynasty of Aurora province. Congressman Juan 'Sonny' Angara spews the same rhetoric of the VP and sounds even proud that their family rule Aurora as a dynasty. Taking the justification a little further, GMA news quoted the good congressman as saying while there is a constitutional provision against political dynasty, there hasn't been any law enacted. Come now your excellency, you can do better than that.

From Casiguran town in Aurora one hundred twenty (120) farmers marched 300 kilometers to protest the Aurora Eco zone project that has undermined their way of life. The project was imposed by the Angara dynasty consisting of Senator Angara, his son, representative Sonny (running for a senate seat in 2013) and sister, governor Castillo.

In some situations, dynasty spawned blood feuds amongst allies as in the case of the Maguidanao Massacre. That is exactly what immense power can bring.

In Abra province, north of Manila, near Baguio, ten families rival for political positions and remain under close watch by the Philippine National Police for two hundred (200) or so politically related deaths including that of a sitting congressman.

One hundred fifty (150) clans lord over 80 provinces, 138 cities and 1,496 municipalities, treating these political divisions as their fiefdom.

People like the Vice President contravene efforts to finally put into law the constitutional provision of anti-dynasty. Congress is filled with member of political clans who are not going to kill the goose and the senate- forget about it.

Party List

The decision of the Commission on Election (ComElec) to purge party list accreditation deserves compliment. The purge seeking to weed out non- working parties and those deemed not representing the marginalize, took a lot of political will from the current chair . However, it falls short, to my mind, of what should be done to the party-list system- it's abolition.

The Part list system is an anomaly in our political milieu where representation in the lower house is by district. Representatives craft laws to equally protect rights of all citizens; for its implementation to be applied equally and for its benefit to be for the common good. In allowing representation for a special interest in legislation, doesn't that counter the principle of the common good?

As any policy wonk knows, all laws and policies tend to contain negative effects to a certain part of the population. The trick is to ensure that only a very minute portion is negatively affected. In the party list system, the reverse is true erroneously justified by the perverse notion that there exist in law a marginalized society.

Defining 'marginalized'  validates the divide of the law between the rich and the poor; the divide between ethnicity and every form of discrimination.

Cronyism and Patronage Politics-Twin Evils

They never left with Marcos. In fact some cronies of yore, bob in and out of the palace. Eduardo Cojuanco, a known crony of the dictator Ferdinand Marcos and Joseph Estrada (both ousted) won his battle in the supreme court in his bid to declare his 20% holding of San Miguel Corporation legal and not ill-gotten. For Cojuanco to have finally put to rest questions of impropriety in the administration of his nephew after 20 years may smell a little fishy.


Jose Rene Almendras, at the Mindanao power crisis, advised Pnoy that the solution was for the consumers to pay more for stable supply. Widely criticized for the advise, Almendras was replaced as secretary of energy only to be reappointed to the now revitalized cabinet secretary which pundits attribute as the President's way of accommodating his friend.   

Belonging to the innermost of President Benigno Aquino III’s inner circle of classmates, schoolmates and buddies from Ateneo de Manila University, Almendras leads an exclusive trio in this inner circle that includes Cristino Naguiat Jr., the chair of the Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) and Romy Mercado, whose family used to own Red Ribbon Bakeshop until it was bought by Jollibee Foods Corp. in 2005.

Saturday, May 26, 2012

Alipinas, Bansa ng Alipin na gagapi sa mga Intsik

Ang Aking Bansa ng mga alipin; mga katulong sa mga malayong lugar (nabibitay pa kung malas-malas), mga mangagawa ng karagatn (na nakikidnap sa Somalia kung malas-malas), mga manggagawa sa Saudi (pugot ulo naman), mga care-givers, mga puta dito sa sariling bansa at mga ungoy ng mga dayuhan. Ang banta ng digmaan ay nasa ating harapan. Ang mga instik ay nanggigil sa ating likas yaman  at maka-ilang pagkakataon na nagpahiwatig ng banta ng digmaan upang matapos ang hidwaan. Ang mga Americano naman, na nagsasabing tutulungan nila tayo, ay tutoong gigil sa walang humpay na paglikom ng kayamanan at kapangyarihan ng mga instik. Ang tunay na usapan ay kung sino ang maghahari sa mundo at dito nila balak idaos ang kanilang pagtutoos. Itong mga huling pangyayari kung saan dumaong ang submarino ng mga kano at sa katapusan naman ng buwan ay yun namang barko ng mga hapon, ay mga pangitain ng umaangat na kaguluhan.

Wala tayong magagawa, sakaling umangat pa ang init ng hidwaan, dito malamang magtuos ang dalawang higante ng mundo.

Tayo naman, ang ibig lang natin ay mapasa- atin ang sariling likas yaman. Umaasa tayong matakot ang mga instik sa mga Americano at maangkin natin ang pinag-hihidwaang Spratleys. Pero paki wari ko ay kung sino man ang magtagumpay, siya ang magmamay-ari nyang pinagkakaguluhang likas yaman, kano man o intski.

Para tayong hipon, tangay at alipin ng agos ng panahon.

Dahil sa katiwalian ng tambak-tambak na panahon, wala tayong maipagmamalaking hukbong sandatahan. Alipin tayo ng mga ibang bansa na inaasahan nating tutulong dahil mayroon din silang pinangngangalagaang kapakanan. Tulad na lang ng  mga Americano, na ang tunay na layunin ay mai-angkat ang sinasabing gasolina dyan sa Spratley. Ang mga ibang bansa tulad ng Vietnam, Hapon at iba na ibig ding makabahig sa biyaya, ay maaring sumaklolo, ngunit ano naman ang kabayaran?

Noong pangalawang digmaan, sinakop tayo ng mga sakang na hapon dahil tayo ay nasa ilalim ng bansang America.  Puspusan naman ang mga amerikano sa paggahasa sa ating likas yaman. Yun din ang gusto ng mga hapon, kaya lang inuna nilang ginahasa ang ating mga kababaihan. Sa pagtapos ng digmaan, tayo ay nagpatuloy na naging  tuta ng mga Americano. Nanatili tayong alipin sa matagal na panahon. Ang kahirapan ay ayaw tayong tantanan dahil ang sarili nating likas yaman ay hindi natin kayang angkatin. Kupal!

Ngayon may mga taong gumagawa ng mga hakbang upang ma-iangkat ang yaman, tulad ni Manny Pangilinan. Kaya lang ang gusto nyang kasosyo ay yung mga intsik. Maganda ba yun? Hindi ako alam. Parang hindi. Ewan ko?



Pero hindi ba kaya yan ng mga katulad nila Henry Sy at Lucio Tan?

 Hirap niyan hindi mo naman alam kung saan papanig yang sina Sy at Tan.



Aba e, may mga kalakalan sa Tsina ang dalawa na hindi baba sa $500B. Yun lang Oishi, kala mo  ay hapon, Pilipino pala, kapatid yata yan ng Bench. Dahil mayroon silang mga pagawaan sa Tsina na apatnapu hindi mo rin masabi kung intsik o Pilipino.

Tingnan mo yan. Kung ang mga salapi nila sa Intsik ay ginamit sa pagtustus ng pag-angkat ng likas yaman, aba eh baka iba ang usapan.

Hirap naman kasing mangngalakal sa Alipinas. Ngayon na lang yang mining act hindi maayus-ayos. Kupal! Yung kasing mga Buwaya at Koreano na naglipanan sa pamahalaan ay hindi kasi alam ang hatian.

Tuloy wala tayong sariling tatak. taga-benta tayo, taga-dagdag ng antas ng halaga, mga mananahi ng Levi's, taga salo ng lumang bus, tren at anu-ano pa. Noong dako 1980's bumalik ang mga hapon at dinigma tayo sa pamagitan ng kalakalan.Binomba nila tayo ng toyota, sony at aiwa. Sa galing nila noong panahon na iyon, nagapi din pati ang mga Americano. Nagsara ang ilang pagawaan ng sasakyan sa america o binili ng mga hapon. Dito, naging paraosan ng libog hapon. Ilan ang kilala mong japayuki? Yun na nga!

Eto naman ang mga instik. Nagkaluko-luko ang buhay ni GMA sa ZTE, northrail at ngayon nagbabanta pa sila ng digmaan. Ang mga instik noong dekada 70 ay hindi pa lumalakas ngunit nagkaroon na sila ng sandatang nuclear na kinatatakutan din. Sa pagdaos ng panahon, natutu ang mga instik, binuksan nila ang kanilang bansa sa makabagong pamumuhay at ngayon mai-tuturing na kasing lakas na sya ng America.

Tayo na dati'y nangguguna sa hapon sa larangan ng kalakalan at lalong malayo ang agwat sa Tsina, e napagiwanan. Ngayon ay heto, alipin ng hirap at agos ng pag iisip ng ibang bansa. 

Umaasa tayong mangibabaw ang kaayusan at hindi tumuloy ang pagputok ng digmaan. Ngunit sampung barko na ng mga instik ang nasa Scarborough Shoal parang naghahanap ng sakit sa katawan.

Ito'y hindi panahon na mga duwag.

Dasal tayo ng milagro. Malay mo, tayo pa ang gumapi sa mga intsik.

Saan ba si Manny? Tulog pa rin sa Vegas? Gisingin mo, laban sila ng volleyball ni Yao.

Nararapat lang na pag-ibayuhin ang hukbong sandatahan. Itapon na yang mga tora tora. Yung mga heneral at samu't saring mga kumag na kinurakot yung, AFP modernization fund, isauli nyo na. Maawa kayo sa bayan.

Ano nga pala nangyari sa mga kaso nila? May nalagyan na naman?


Ang salapi at mga yaman sa pagtustus ng ibayong AFP ay kunin natin sa mga dambuhalang mangagalakal . Pinag-iinitan nyo yung mga naninigarilyo at tumotoma sa kanto, hawa boy.

Huwag narin tayong mangalakal sa Tsina. Humanda tayo sa digmaan.

Ang Kuwait ay sinakup dahil naghintay sila. Ang Iraq ay parang Tsina, may lakas at handang gamitin ito dahil sa kanyang pangagailangan.

Ang Pilipnas ay isang lakas kung ihahambing sa ibang bansa.  Ang turing na lakas ay walang saysay kung magsawawalng kibo tayo. Ang mga mamamayan ay tinawag na ganoon dahil sila nag bumubuo ng lakas.

Mga kapwa alipin, may panahon ng pagtutoos sa bawat bagay na sumusulpot ang hindi pagkakaunawaan. Dumating na tayo sa panahon na iyan. Ang kahinaan ay dala ng takot at ang takot ang kalaguyu ng pagiging alipin.Pagod na ako sa pagiging alipin.

Sunday, April 1, 2012

Isang Bagong Kaayusan

Papano ba uunlad ang kabuhayan ng nakakaraming Pilipino kung ang mga nag-haharing uri ay hindi na bumababa sa kanilang mga kinaluluklukan? Sa haba ng panahon na sila ay nanatili sa kataas-tasan nilang luklukan, naramdaman mo ba na gumaan ang kabuhayan?
Pansinin na lang ang bumubuo ng mga kinatawan ng mababa at mataas na kapulungan. Sa higit na limanpung taon, ang mga pangalan ay sya at sya rin: Enrile, Marcos, Macapagal, Dy, Garcia, Cayetano, Guingona, Osmena, Aquino, Angara, Abaya, Estrada, Binay, Belmonte, Villanueva. Pinagpasahan ang katungkulan mula sa ama, papuntang anak, papuntang apo. 


Ayaw nilang maglabas ng batas contra dynasty. Wala ba sa isang katutak na Pilipino and maaring pumalit sa ngayo'y mga naghaharing uri. Sila lang ba ang biniyayaan ng Poong Maykapal ng talino at kisig para mamahala ng bayan.
Ang hirap kasi makasingit ng mga bagito sa politiko. Yung mga tinubuan na ng sapal sa tagal nila sa kapangyarihan, nagagawang pera-pera lang and halalan at sa muling pagkalukluk, gagatasan ang kabang bayan.

HUWAG NG IHALAL ANG MAG-ANAK NA PAMAHALAAN.


Habang nalilibang ang buong bayan sa pag lilitis ng punong husgado,and suliranin ang kakulangan ng pagkain, kawalan ng hanap-buhay,pag taas ng mga pangunahing bagay at mga banta sa kapakanan ng mga mamayan ay patuloy na bumabalot sa buong bansa na walang katapusan.Itong paglilitis na ito ay hindi nag-uusad ng mga kailangan sa kaayusan ng bansa.
Nang mapatalsik sa kinaluluklukan ang pangulong Estrada, akala ng marami ay magbabago ang buhay ngunit hindi rin. Ito rin ang inakala noong matalsik ang pangulong Marcos.At ng mapilitan ang pangulong Arroyo, ang akala ay maitataas ng pangulong Aquino ang antas ng buhay. Marami ang namamatay sa akala, ika nga.
Buhay ng bawat isa ang nakasalalay sa mga kamay ng mga namahala sa bayan. Ngunit sa tagal ng itinigil nila sa kanilang kinaluluklukan, nakalimutan na nila ito.
Sa mga sakuna na dulot ng kalikasan, sabi nila (mga namumuno),ang sanhi ay mai-aatas sa kapabayaan ng taong bayan narin. Hindi kaya dahil sa ganid ng mga nasa pwesto? Ang patuloy na pagkalbo sa mga gubat ay sanhi ng 'lagayan' na  nagtutulak sa mga alagad ng batas na tumingin sa ibang dako.
Yun namang kawalan ng pamamaraan ngPilipinas na ipagtanggol ang sarili laban sa Tsina ay sanhi ng pagkulimbat sa salapi na dapat ay tumungo sa kaayusan ng mga tauhan ng pambansang sandatahan.  Paano nila nagagawa ito? Matagal na sila sa kanilang kinalulukan at alam na nila ang pasikot-sikot.

HUWAG NG IHALAL ANG MGA NAGSUSULONG NG MAG-ANAK NA PAMAHALAAN


Ang mga mag anak na ngayon ay numumuno ay nagpapalamig sa mga mala palasyo nilang bahay, sa mga ibayong dagat habang ang kanilang mga kababayan ay namimilipit.Balak nila hangang ka-apupuhan ay sila ang maghari. at patuloy ang paghihirap ng bayan.

Hindi himagsikan ng dahas ang makakabago ng kalagayan ng bayan kundi himagsikan ng talino.